My Way of Living + Time

Kawawang Mga Ranner Part 2 :Tito Caloy's Take On The Subic International Marathon Experience

Hi mga Tropa! Tito Caloy is bak! At tatapusin na natin ang ating nasimulan, medjo nakabwelo na tayo ng ayos. Maganda ang naging usapan namin ni kumpadreng Vino Kulafu, at ngayo'y ganado na ulit ako ihayag sa inyo ang aking sanaysay sa nakaraang Subic na takbuhan. Pasensiya na speed bagal tayo, mahirap palang mag type sa linstak na laptop na to, di na ba uso typewriter o kaya steno ngayon?

Tapusin na, umaandar metro ng talent fee natin

Ang Unang Takbo Ni Mike

Nang hinatid na namin ung mga tropang babanat sa full marathon, bumalik muna kami sa hotel nina Mike at Makoy dahil may mga isang oras pa naman bago mag simula yung karera. Nakatulog ako, nasilayan ko etong pamangkin ko na ang daming etse buretse pa sa katawan, tatakbo lang! May relos, pero naghahanap ng signal. May dalang mga Gatorade pa na boteng nakalawit. Aba, nagpabango pa! Daig pa tsiks sa kaartehan. Eh di yun, umalis na kami at balik na kami sa Remy Field. Sarap ng buhay ng mga to, ako drayber!

Kasawa puro tsiks, maiba naman

Taya na lang tayo sa Lotto!Pagdating namin dun, parang walang karera! La masyadong tao. Ayus to ah. Akala ko nga tatakbo lang sila sa oval, paikot ikot parang daga. Buti na lang inde. Ayun, noong nagsimula na, boring na boring ako. Niyaya tuloy ako nina Pareng Vic na mag coffee. Sosyal tayo men, di kape, coffee! Nabawasan tuloy breads ko, eh shempre nakakahiya naman kay Boss Vic, eh mukhang bigatin pa naman baka sabihin di tayo "in". Sabi ko nga, habang andito na tayo, tumaya na tayo sa Lotto baka manalo!

Ang masama niyan, pagkalayo pala ng coffee coffee namin , aba eh tapos na pala si Mike, tawag ng tawag. Pagkabilis lang palang matapos ng bata na yun! Nagtampo pa ata dahil wala siyang tropa sa finish line. Naabutan ko't iniinterview pa ang loko para sa TV. Showbiz! Feeling!

Matagal na Paghihintay
Ay sus. Etong si Mike gustong antayin ang resulta nung karera. Maganda ata placing. Akalain mong nagantay kami dun ng tatlong oras wala pa din? Batong bato nako men. Nakailang barbeque na kami, ilang Bulakenyan na ang natapos, pinatos ko na ang magpakodak kay Japeth Aguilar, wala pa din? Sasabihin ilalabas na, may dadating na egoy, tapos ala antay nanaman. Aliw nga yung emcee, sabi dalawa daw ang nangunguna, isa daw Pinoy. Pagtawid, dalawang egoy! Na kwentong kutsero nanaman kami. Sa bad trip ni Mike, umalis na lang kami para suportahan ang mga tropa na matatapos na sa marathon, ang balita daw nagkakagulo na.

Tropang Lotto

Bilis ng Bulakenyan

Pinatos ko na si Papa Japeth , pogi!

Walang Tubig! Saklolo!
Nang dumating kami dito, andun na ung mga tropang Takbo.ph, puro tsiks! At ang masaya dun, kilala nila ako. Kahit di ko sila kilala, ngiti pa din ako, feeling close diba. Noong andun kami, doon ko nasagap ang balita na nagkaubusan ng tubig. Lahat ng mga nakikita ko wasak na wasak na, namumutla na. Ang masaklap nun, si kumpareng Sam, bumigay malapit sa amin. Parang si Kristo! Nahulog, tumayo, tapos nahulog uli. Kaawa awa talaga. Tapos nung kukunin na ng ambulansiya, bumangon bigla at tumakbo kahit gegewang gewang. Yan ang determinasyon!

Nakakatuwa ang bayanihan na ipinakita ng ating mga tropa. Kahit di na kilala, basta mukhang nangangailan o kaya basta't pogi, agad na nagbigay ng tulong - tubig, masahe, kiss. Ay sakin lang pala un. Hahahahaahah dyok lang!

Ha?? Walang tubiiig???

Pangpagana!

Walang Kapagod pagod si pareng Jet !

VIP treatment si Doc sa mga chikasNakakalaspag ding tumulong ng ganun. Medjo nagtagal kami dun, tapos bumalik pa kami ng Remy Field para antayin ung mga nakatapos. Alam mo kung saan ako napapabilib? Talagang walang iwanan ang grupo, antayan talaga. Yan ang pamilya. Masaya ako't nakilala ko kayo. Dahil kadalasan, kayo lang may kilala sakin eheheh.

Kumain ang mga gutom ng manok at Crispy Pata sagot ni Bossing Rico, nakauwi kami mga alas dose na. Nakow, nakalimutan ko may karera papala ako! Puyatan to!

Ako Naman Ang Tatakbo!

Ang sakit ng ulo ko. Parang napalaban ng Johnny Blue, kahit di naman. Parang akong lalagnatin, tulog na lang kaya ako uli? Grabe diba. Punta ko dito pero di naman pala ako tatakbo. Kaya kahit wasted na wasted ako, bumangon na din ako. 3:30 yan, dalawang oras lang na tulog. Habang naghihilikan ang mga makisig na tropa, tayo'y lalarga na. Teka, humihilik pa si Mike ah... ..

Maaga kami dumating dun. . May oras pang mag picture picture. Tulad nito -

Bagay ba? Ay di na pala pwede naunahan ako.
Medjo huli na ng nagsimula ang paligsahan, ang dami kasing tao na nasa finish line. Ano ba naman un diba, magsismula ka sa finish line? Kasama ko si Mike, si Timmy at ung chikas, si Tracy ba un. Pagkagandang dilag, kung tayo'y bata- bata lang baka sakaling makaakyat ng ligaw. Kami kami ang natakbo. Pero, ikwekwento ko pa ba sa inyo? Ang dami nyo nang nabasang ganito, eh speed bagal naman ako kaya wala namang saysay. At isa pa, nagagalit na si esmi sakin, kailangan ko pa daw maglaba't magsaing.

Balding Ranner?

Pang Profile Pic DawBasta ang nangyari mabilis ang pacing namin, mas mabilis dun sa pacing ni coach dati. Halimaw tong si Mike, nagpapalipad! May update pa kada minuto kung gaano na kami kalayo at gaano kabilis. Maganda ang kurso, maganda ang tanawin pero puro ahon. Ang bad trip lang dun, ung mga pulis nagyoyosi sa gitna ng karera. Clean living pa naman tayo kaya di maganda un. Tatakbo ka nga para lumakas ka sabay titira ka ng tabako.

Ayun, nung bandang huli medjo pinupulikat na ako, pero binubuhusan ko ng tubig para mawala. Nauna ng konti sakin ung tatlo, at natapos ako sa loob ng 2:33, ewan kung maganda un pero mas mabilis sa dati. Bad trip lang men, wala namang binigay na tubig o medalya pag tapos ko.

Enjoy si Timmy at Tracy

Wasak pero hapi hapi pa din
Pero ayos lang. Nagenjoy talaga ako sa pagpunta sa Subic at makabanding ang mga tropa. Grabe talaga mga kamandag ng mga yan, inaaya ako mag BNO kung ano man un . Nakakatuwa. Ang gusto ko naman tirahin sa susunod ay ang full marathon! May mga tips ba kayo para kay Tito Caloy? Sa aking pagtatapos, ako'y nagpapasalamat sa lahat ng mga aking tagasubaybay, pasensiya kung naboring kayo dito. Hanggang sa uulitin!

Nagmamahal,

Tito Caloy
xoxo

art of living, life and running, marathon, and more:

Kawawang Mga Ranner Part 2 :Tito Caloy's Take On The Subic International Marathon Experience + Time