Hi. Kamusta mga repapips? Ako nga pala si Tito Caloy. Sa mga hindi nakakakilala sa akin, ako ang binansagang "internet legend" ng pamangking kong si Mike. Tawag niyo sa kanya Luis, o kaya naman Gingerbread, o kaya GBM. Minsan JBM. Ewan. San ba pinagkukuha yang mga pangalan na yan. Balita ko kung ano ano ang pinagsususulat ng bata na yan tungkol sa akin. Kung may naisulat man ho yan, malamang totoo yun hehe!
Inggit ka parekoy? Ayos!Ako'y nadawit sa pagtakbo nung sinama ako doon sa Botak na pagkainit init. Naalala ko un, hinimatay ung isang tropa dun eh, ung doktor ba un. 5k ang tinakbo ko nun. Aba'y di man lang ako pinagpawisan. No tsallenge men! Kaya noong nagkaroon ang mga tropa ni Mike ng takbuhan sa Tagaytay, tignan mo nga naman naka 27k agad ako! Elibs ka ba? Sumunod na takbo ko sa Globe, ung dumaan ng Ayala at kung san napilay si Mike, banat kasi ng banat tigas ng ulo. 21k nakang naka eh! Ang ganda ng pacing ni Coach, di man lang ako napagod! Parang wala lang!
Di yan pagod, pumosing lang!
Nageenjoy talaga kong kasama etong mga tropang taga Takbo.ph. Kaya nung sinabi saking na pupunta daw ng Subic para tumakbo, aba nilabas ko ung mga panalo ko sa tongits at nagpalista na ako sa 21k. Okey na yan! Baka mabatak kung 42 tayo agad. Kaya eto, kwento ko sa inyo ano nangyari.
Sa Unang Pagkikita
Nagkita kami dun sa Jollibee sa may Shaw mga bandang ala sais. May amats pako, tumira tayo ng pampagana nung kinagabihan. Nauna ako kaya't wala akong nakilala. Aba, ako'y nagulat at kilala pala ako ng mga tropa. Tito Caloy! Okey sa olrayt to ah!
Da Gwapings!
Lakad Na!
Dun kami sa oto ni Eo. Disenteng disente. Pero may tinatagong kamandag din pala! Pati si pareng Bong andun din, ung instik na gwapings. Ang dami palang babae nun pasimple lang! Alangyang mga kaibigan ni Mike mga loko din! Di tayo makasabay, clean living tayo eh. Pero kung sakaling mapalaban, makakatikim yang mga yan ng taktak maragondon, halukay ube ni Tito Caloy!!!
(Editor's Note : Kindly forgive my uncle, in his inebriated state I guess you will have to make do with this cacophony of unabashed ramblings dashed with a sprinkling of shameless innuendo - GBM)
Kainan Muna
Tigil muna kami doon sa may Kenny sa highway. Ayos libre nanaman ako!Hihihi. May mga GC kasi si Mike, may syota ata tong taga Kenny dati kaya meron. May nasagap pa kaming mga chix, sarap talagang tumakbo ganda ng sights.
Ang ganda nila noh?
Tambay Taym
Ang ganda ng tirahan namin, Forest View ba yun. Siyam na kalalakihan. Sarap ng buhay. May oto, may puesto, mahangin ... .sarap manginom dito. Ay di pala pwede, sasalang na tong mga to! Halos lahat babanat ng 42k. Si Mike iba sasalihan, 10k lang ata. Excited na ko! Excited nako na masolo tong lugar namin wahehehe.
Sarap ng buhay no?
Simula ng Kalbaryo
Onting tsibog , onting dasal, at hinatid na namin ang mga tropa kung saan sila susunduin ng bus. Aba ordinary ang bus na susundo sa kanila papuntang Floridablanca! World-class nga! Daming mga mag 42k, ung isang nakita ko parang namumutla, kabado siguro. Kulang sa balut. Nakasakay na ang mga tropa, sana okey kalabasan. Si Mike muntik pang makasama sa bus kodakan blues pa kasi. Natawa tuloy ung isang Egoy. Sana okey naman sila, mukhang malalakas naman ang mga pwersa nila eh.
Mga macho papa, yakang yaka 42k!
Nako si pareng Bong ang daming babae nito...
Naknang isa pa to si Eo, madaming napaiyak nong araw to...
Ang bilis siguro nitong BulaKenyan na to
Nasa Bus na , pahabol pa!
Teka, na nosebleed nako sa pagsulat ko dito, di naman bayad to! Makaisang round muna kami ni pareng Vino Kulafu. Abangan niyo na lang ang susunod na kabanata! Out na muna ako! GTG Pips!